KIM JONG-UN PATAY NA DAHIL SA OPERASYON ?

Si Kim Jong-un ay ang supreme leader ng North Korea sa loob ng siyam na taon, ipinanganak noong January 8 1984 at pangalawang anak ni Jim Jong-il na naging pangalawang supreme leader din ng North Korea mula 1994 hanggang 2011.

Maraming speculation ngayon na lumalabas patay na daw umano si Kim Jong-un dahil hanggang ngayon ay hindi pa ito lumalabas sa publiko, Ayon sa isang report ng United States government ay mino-monitor nila ang lagay ni Kim Jong-un dahil ang buhay nito ay nasa “grave danger” matapos ang kanyang surgery.

Bakit nga ba inoperahan si Kim Jong-un at anong operasyon ito?

Ang operasyon ay tinatawag na cardiovascular system procedure dahil sa sobrang paninigarilyo, obesity at overwork, ayon sa report ay ang ginagamot ito sa Hyansang county matapos ang operasyon.

Pero ang nakakapagtaka lang bakit hanggang sa ngayon ay hindi parin nag papakita ang North Korean supreme leader? Maaring nagpapagaling pa ito o talagang malubha ang kanyang kalagayan dahil sa nasabing operasyon.

Noong Linggo ng April 26 2020 ay nag post ng article ang North Korean state newspaper na pinapaabot daw umano ni kim ang kanyang pasasalamat sa mga trabahador na tumulong para i-remodel ang siyudad ng Samjiyon sa North Korea, Pero hindi parin makumpirma ang report na ito sa kadahilanang hindi parin mismong ang supreme leader ang nagbanggit o magpakita man lang.

Ang North Korean government ay mahigpit na kino-control ang information patungkol sa kalagayan ng kanilang supreme leader, Mapapagalaman na ang North Korea ay walang free media o press, meaning ay hindi malayang nakakapagreport ang media patungkol sa balita lalo na kung patungkol sa supreme leader at nangyayari sa North Korea, Strictly monitored ng gobyerno ang balitang pinapalabas sa mga telebisyon.

Ang Train sa Wonsan



Isang website na espesiyalista sa North Korean affairs ay nag publish ng satellite images patungkol sa totoong kinakaroonan ng supreme leader, makikita mo sa satelite image ang isang train na pagmamay-ari umano ni Kim Jong-Un na nakaparked simula noong April 21.

Dagdag pa sa report ay ang train kung saan ito naka-park ay para lamang sa pamilya o nakareserve lamang sa pamilya ni Kim, Ang presensya ng tren sa lugar ay hindi nagpapatunay na dito nga talaga nag stay ang supreme leader nila ngunit posibleng ebidensya lang ito na dito talaga nag papagaling si Kim.

Malalaman lang natin ang katotohanan pag nakita na natin ang presensya ng supreme leader na si Kim Jong-Un, dahil isa lang talaga ang makakapag patunay ng lahat kung buhay o patay ito, kundi ang kanyang sarili lamang

Post a Comment

0 Comments