Hispanic, Spanish FLU: Babala mula sa nakaraan

Ang Spanish FLU O Hispanic FLU ay minsan nang tinawag ng mga tao na forgotten pandemic dahil nga sa tagal nang nanyari nito ngunit maraming napatay ang virus na ito at napakabilis ng pag kalat nito sa buong mundo. Paano nalang kung itong katulad nalang ng ganitong virus ang tumama satin ? Handa na ba tayo ? Ano sa tingin nyo ?


Ang Hispanic Flu o mas kilala sa tawag na spanish FLU ay pumatay ng higit pa sa 50 milyon na katao mas marami pa kesa sa mga casualties ng iba pang mga pandemic o virus na naitala sa buong mundo, Naitala na kahit ang hari ng Spain na si King Alfonso XIII at ang presidente ng amerika na si
Woodrow Wilson ay tinamaan din ng sakit na ito.

Ano nga ba ang Hispanic Flu?

Ang Spanish ay isang virus na inaatake ang respiratory system. Ang virus na ito ay highly contagious: Kapag ang infected na tao ay umubo, bumahing o magsalita man lang ay makakahawa na ito.

Ang nakakatakot dito kaya sinabi na kahit mag salita ka lang ay makakahawa ka sa kadahilanang kaya mag transmit ng infected na tao ng virus sa hangin, OO tama ang narinig mo Airborne ang sakit na ito, at ang mas matindi pa dito ay pag nahawaan ka ng sakit na ito ay kaya nito mag replicate ng mabilis sa baga mo.

Ang napaka unusual lang katulad ng ibang virus ay madalas na kapitan ng virus na ito ay nasa 20 hanggang 40 ang edad, hindi katulad ng virus na kinakaharap natin ngayon na COVID-19 eh iba ang age target ng Hispanic FLU.

Ang actual na namatay sa hispanic flu ay from 50 to 100 milyon, kung gayon mas marami pang napatay ang 1918 FLU Kesa sa world war II, ngunit hindi lang ito ma kalkula ng tama sa kadahilanang hindi maayos ang medical records sa ibat ibang lugar sa mundo.

Ano nga ba ang sintomas ng Spanish FLU ?


Ang first wave ng pandemic ay nag simula noong tagsibol ng 1918, ang mga taong tinamaan nito ay nakakaranas ng usual na sakit katulad ng panlalamig, lagnat at mabilis na pagkapagod at nakakarecover naman agad pagkatapos ng ilang araw, at ang rate ng mga namamatay ay mababa pa.

Ngunit noong dumating na ang second wave at nakapag mutate na ang virus ay mabilis na kumalat ang virus sa ibat ibang lugar at ang mga biktima ay namamatay kaagad makalipas lang ang ilang oras o araw, ang ibang mga taong na infect ng virus na ito ay nag kukulay asul ang kanilang balat at ang baga nila ay nagkakaroon ng fluid ang baga ng biktima at dito na nag rereplicate ang virus, sa kadahilanang ito ay nahihirapan huminga ang mga tao at kalaunan ay namamatay.

Pero ang tanong saan nga ba nag originate ang 1918 Pandemic?


Hanggang sa ngayon ay Hindi malaman kung san nag simula ang virus na ito.Ang virus na ito ay unang na obserbahan sa Europe, America at ibat ibang parte ng ASIA bago pa ito kumalat sa halos bawat parte ng mundo sa loob lang ng ilang buwan.

May mga speculation na baka mga sundalo daw ang may dala ng virus dahil noong 1918 din natapos ang giyerang world war 1.

Kahit na di malaman kung san talaga nag mula ang 1918 virus ay tinawag itong Spanish Flu dahil ang spain ay isang neutral country kaya hindi sila involve sa world war 1 kaya sila lang talaga ang nakapagpalabas ng Hispanic FLU outbreak mula sa simula, sa kadahilanang ang ibat-ibang bansa ay pinatupad ang news black out para mapataas ang morale ng mga taong nasasakupan nito.

May iilang mga tao naman sa Spain na nag simula daw umano ang FLU sa France at mas marami daw naapektuhan sa lugar na ito kaya dapat daw itong tawagin na
"FRENCH FLU" Hindi "Spanish FLU".

Pero paano nga ba natapos ang Pandemic na ito?


Walang naging kungkretong solusyon o gamot sa 1918 pandemic maraming mga doctor ang nag preprescribe nalang ng aspirin para maibsan ang simtomas na nararanasan ng pasyente na ayon sa ilang pagaaral ito ay poisonus, at isa rin daw ito sa nakatulong sa pag bulusok ng mga namamatay noong second wave sa kadahilanang ang aspirin ay maaring maging cause ng hyperventilation and pulmonary edema o pag build-up ng fluid sa baga ng pasyente.

Pero noong nag simula na ang summer noong 1919 ay natapos na rin ang pandemic, its either
namatay na ang mga infected ng virus o nag develop ang katawan ng mga ito ng immunity, kaya kung isipin mo napakagaling ng ating katawan basta inaalagaan lang natin nag sarili natin, kaya nitong mag develop ng immunity para labanan ang kahit na anong sakit.

Ayon sa isang pag aaral ay ang mga survivors daw ng 1918 FLU ay immune parin sa loob ng 90 years, nagawa ito noong 2005 dahil ni recreate ng ilang scientist ang SPANISH Virus gamit ang katawan ng isang pasyente na inilibing sa alaskan permafrost para ma decipher ang genome ng nasabing sakit na ito.

Napakamapangahas at kontrobersyal ang ginawa nila dahil posibleng kumalat ulit ang sakit na ito pag napunta sa maling kamay ang virus na kumitil ng milyong
milyong buhay.

Kung ikaw ang may kakayanan gumawa nito, Irerecreate mo ba ang nasabing Virus para lang mapag aralan ? gusto namin malaman ang saloobin mo kabilog.So mag comment kalang sa baba ng video at babasahin namin ito.

Post a Comment

0 Comments