AREA 51, SIKRETONG TINATAGO NG MGA AMERIKANO SA BUONG MUNDO

Marami na ang nagkalat na UFO Sightings at mga nakakatakot na alien creature na itinago daw umano ng gobyerno ng amerika ang lahat ng ebidensya patunay na may mga alien sa mundo, makikita mo lang ang mga ito sa internet at madalas pa ay deep web mo lang ito makikita.


Ang deep web o hidden web ay isa ring parte ng world wide web na ang mga content sa loob nito
ay hindi naka indexed ng mga standard web search engine katulad ng google search o di naman kaya ay bing or yahoo search engine. Dito sa deep web ay makikita mo ang ilang mga illegal at kakaibang mga trip na di mo makikita sa standard na world wide web. Para mas maintindihan mo ito ay gagawa ako ng separate na article para sa DEEP WEB, abangan nyo yan.

Maraming bagay ang gusto nating alamin at subukan siyasatin, pero may mga katotohanan din na hindi natin makumpirma dahil nga itinatago ito sa publiko, samahan nyo kong alamin ang mga bagay na alamin kung ano nga ba talaga ang sikreto ng Area 51.

Ang Area 51 ay makikita sa Nevada desert malapit sa salt flat na tinatawag na Groom Lake. Walang
nakakaalam kung bakit ito tinawag na area 51.

Ang area 51 sa amerika ay naging sentro ng mga alien conspiracy theories sa loob ng maraming taon.

Noong 1954 ang Presidenteng si Eisenhower ay in-authorized ang development ng top secret, high altitude recon aircraft program sa area 51. Napili itong lugar na ito dahil hindi ito madaling i access ng mga
civilian o spy.

Noong Summer ng 1955, ay may mga sightings na ng mga unidentified flying objects na naireport malapit lang sa area 51, dahil nag simula ng mga taon na ito ay nagsimula nang mag test ng U-2 Aircraft ang gobyerno ngamerika.

Ang U-2 Aircraft ay kayang lumipad ng 60,000 feet, ng mga panahon na ito ang mga normal airline ay kaya lumilipad lang ng 10,000 to 20,000 feet range habang ang military aircraft ay kayang lumipad ng 40,000 feet, So advance nga talaga ang mga aircraft na ginagawa sa area 51.


Mas dumami pa ang UFO Sightings sa taong ito kaya mas marami rin ang naintriga kung ano nga talaga ang meron sa area 51, pero wala naman makalapit dito kasi heavily guarded nga ang lugar.

Noong panahon na ito ay hindi daw pwede sabihin ng gobyerno na nag tetest sila ng mga panibagong aircraft para hindi ito dumugin ng mga spy at hindi maabala ang kanilang ginagawang testing sa lugar. Ang sagot lang ng gobyerno ay normal phenomena lang daw ito at ito daw ay high-altitude weather research lamang.

Walang nakakaalam kung ano pa ang mga proyekto o ano pa ang paggagamitan ng area 51 sa mga panahong ito. Inadmit lang ng goverment ang existence ng area 51 nito lang 2013.

Noong November 26 1954 ay si allen dulles na director ng CIA ay ipinagkatiwala ang secret operation ng Area 51 kay Richarch Bissel ang Special assistant umano ni Allen. Ang Codename ng operation na ito ay Aquatone.

Ginawa ang area 51 noong nag simula ang Coldwar sa pagitan ng Russia at Amerika, Para daw makagawa umano sila ng aircraft sa paliparan ng russia ng hindi na dedetect, ang tinawag nila sa aircraft na ito ay U-2.

May isang theorya pa nga na kaya daw napili ang lugar na groom lake dahil may nag crash daw umano na spaceship ng alien sa lugar at gusto itong i analyze ng american goverment para ma reverse engineer ang nasabing spacecraft.

Noong may 12, 1989. si George Knapp na isang reporter ay ininterview ang isang lalaki patungkol sa area 51,Itinago ni George knapp ang pagkakakilanlan ng taong kayang iniinterview at pinakilala itong bilang si dennis at habang ito ay iniinterview hindi pinakita ang kanyang mukha kundi boses lamang nito ang
mapapakingan mo.

Sabi ni Dennis ay nag tratrabaho daw sya sa isang outpost na kung tawagin ay S4 sa area 51.

Noong tinanong si dennis kung ano nga ba talaga ang nangyayari sa area 51 ay eto ang kanyang sinagot,

"Well, there's several... actually Nine Flying saucers - Flying Discs - That are out there of Extraterrestrials origins and they're being test flown and basically just analyzed."

So maaring gobyerno na o militar na ng amerika ang nagpapagalaw ng mga UFO na nakikita ng mga tao malapit sa area 51, dahil kung totoo nga ang sinasabi ni dennis ay mukhang yun na nga ang sagot sa tanong ng mga taong nakakita nito.

Noong tinanong naman si Dennis kung baka gawa lang ng gobyerno ng amerika ang mga spacecraft na nakita mo?.

Sabi ni dennis ay napakaimposible daw nito ---

"Totally Impossible.... the propulsion system is a gravity propulsion system.
the power source is an anti-matter reactor... this technology does not exist at all.

Kalaaunan ay nakilala si Dennis bilang si Robert "BOB" Lazar isang senior staff physicist na nirekomenda ni Dr. Edward Teller isa ring physicist na isa sa mga taong nag imbento ng thermonuclear bomb.

Sa isang TV Interview ay nilarawan nya ang teknolohiya na kanyang nakita at ginuhit pa ni Robert ang spacecraft
na kanyang nakita.

Sabi ni Robert ay ang pangalan ng spacecraft na kanyang pinagaralan ay "SPORT MODEL".

Sabi ni Robert Lazar ay kaya daw niya nilabas ang kanyang pagkakakilanlan ay
para ma ensure nya ang kanyang safety, mas safe daw kasi pag kilala na sya ng mga tao.

"Insurance is the true motivation behind this."

"I've been threatened with being charge with espionage. I've had my life threatened by them.
My wife's life threatened by them. and...I Mean, I Don't Know where else you can go from there."

Tinanong si salazar sa isang 2018 Documentary na,

"Would you take it all back and just be bob, the jet car guy, and never have done this if you can?
or are you glad you had the experience?"

Sagot ni bob ay,

Yeah, that's hard to say. I don't know, I think I'd lean towards not ...at this point in my life, I'd Probably lean towards not saying anything."

Dagdag pa ni Robert,

"That in the late 1980s, the us government had recovered alien spacecraft, several of them, and the technology in the nevada desert that they were keeping quiet and analyzing. that's a fact"

Totoo nga ba ito ? o isa nga lang bang U-2 Aircraft ang nakikita ng maga tao ?

Sabi nga ng gobyerno ay mga U-2 Aircraft nga lang daw ang mga nakikita ng tao, dahil nga
high altitude aircraft ang kanilang dinevelop sa mga panahong iyon.

Ki-niclaim ni robert na hindi lang daw spacecraft ang kanyang nakita kundi ang mga crew rin ng spaceship na ito.

Noong march 1989 ay nag lalakad daw si Robert Lazar sa hallway ng S4 ng may nakita syang nilalang sa 9 by 9 window, ang kwartong ito ay unmarked o walang label, kaya napatingin daw sya dito. Nakakita daw sya ng isang nilalang na gray ang kulay ng katawan, malaki ang ulo na nakatayo sa gitna ng dalawang tao na nakasuot ng white coat.

Noong sinubukan nya pa daw tignan ito ng mas malapitan ay pinigilan daw siya ng mga security guard ng kwarto na makalapit at maaninag ng mas mabuti ang alien na nakita nya, ang tawag daw sa mga alien na ito sa area 51 ay "The Kids".

Pero kung iisipin mo nga naman, Kung napaka top secret ng kuwartong ito ay bakit nakita ni robert ito ng ganong kadali, kung may mga alien nga talaga dito at bawal malaman ng kung sino man ay dapat mas mahigpit ang pagbabantay dito.

Di kaya nag lunch break lang sila ? Di natin alam.

Sa isang interview ni Robert ay sinabi nito noong nag tratrabaho pa daw siya dito ay nag karoon ng technology and
gobyerno ng Hand Scanner para makapasok ang mga employee ng area 51 sa S4.

Sa interview sa kanya sa isang documentary na Bob Lazar: Area 51 and flying saucers,kinumpirma ni robert ang pinakitang
hand scanner na yun daw ang ginagamit nila noon para makapasok sa S4.

Sabi ni Robert ay naging interisado daw siya sa pinagaaralan nilang element at ireverse engineer ito, na kung tawagin ay element 115, sa time ng interview
nya ay ang element 115 ay wala pa sa table of elements noong 1980.

Ang Element 115 daw ang ginagamit ng mga aliens para patakbuhin ang kanilang spaceship, dahil kapag ginamit ang
element 115 bilang fuel ay kayang mag produce ng spaceship ng sarili nitong gravity.

Nadiskobre ng russian scientist ang element 115 noong early 2000 at na confirm ito noong 2013 nung na replika
ng swedish chemist ang nagawa ng russian scientist kaso nga lang ang elementong ito ay napakabigat at napaka unstable.

Ngayon ang element 115 ay tinatawag na moscovium.

Pero bakit nga ba noong 2013 inamin ng gobyerno ng amerika ang area 51? ano pa nga ba ang tinatago nila sa lugar na ito.

Totoo nga ba ang mga spacecraft na sinabi ni Robert? o talagang U-2 Aircraft lang talaga at ibat ibang mga aircraft lang ang ginagawa ng mga militar ng amerika dito ? Ikaw ano sa tingin mo? Totoo ba ito ?









Post a Comment

0 Comments