10 Misteryo ng COVID-19 Pandemic


Marami na ang na infect ng virus na COVID-19 sa buong mundo pati ang ating bansa ay nagpatupad narin ng Enhance Community Quarantine (ECQ) dahil sa lumulobong kaso ng COVID-19, Nagsanib pwersa na ang bawat bansa para mapabilis ang pagsugpo sa virus na ito, Pero maraming tanong ang hindi pa nasasagot ng siyensya patungkol sa virus na ito katulad nalang ng  10 Misteryo ng COVID-19 Pandemic.



10. Bakit Maaring Mamatay din ang mga Taong Malulusog ang Pangangatawan?

Ang pinaka-nakakabahalang parte ng COVID-19 pandemic ay ang lumulobong porsyento ng mga severe cases at pagkamatay ng mga senior citizen, kung kaya’t mahigpit na ipina-tutupad ang hindi muna paglabas ng mga ito kung maari.

Kaya sa mga quarantine pass ay ipina-tutupad din na hindi ito puwedeng gamitin ng senior citizen kung maari upang hindi sila mahawaan ng sakit na ito dahil sila ang pinaka-vulnerable na maaring tamaan ng virus na COVID-19.

Kaya sa kabilang banda ay mas fit at mas healthy younger generation ang nakakalabas para mamili ng mga pangangailangan sa pang-araw araw.

Sa kadahilanang ito may mga fit at healthy na indibidwal ang nahahawaan ng sakit at ang mas matindi pa dito ay ang ibang cases ay undetected kaya mabilis itong maipasa sa bawat makakasalamuha ng indibidwal na ito.

Kaya kahit sabihin pa nating healthy at fit ang kahit na sinong tao ay may tiyansa parin itong mahawaan ng virus, ayon sa report ay marami na rin ang namamatay at severe cases na naitala sa mga younger generation.

Ang alam lang natin sa ngayon ay dapat ang mga fit and healthy na indibidwal ay malaki ang tiyansa na maging mild lang ang kaso pero sa reality ay iba ang nangyayari.

Ang pinakamalaking tanong lang talaga ay Paano nakakaapekto ang virus sa ibat-ibang tao sa napakaraming posibleng paraan, at ang pagsagot ng tanong na ito ay mahalaga upang maiwasan natin sa hinaharap ang potential na deadly virus outbreak.

9. Maari ba nating mahawaan ang mga Hayop?

Sa kabila ng mahabang listahan ng mga bagay na hindi pa rin natin nalalaman tungkol sa COVID-19 Pandemic, ang alam natin ito ay nagmula sa mga hayop.

Pinagaaralan parin ng mga scientist kung sa hayop nga ba gaya ng pangolins, paniki, manok at iba pang mga hayop itong COVID-19 pandemic nag-mula.

Sa mga wild animal naman, ang isang tigre sa Bronx Zoo ay na diagnosed na mayroon itong COVID-19 Virus, kasama ang marami pang iba na nagpakita rin ng sintomas nito.

Ayon sa report ay ang ibang mga big cats ay hindi naman naglabas ng sintomas ng virus, kaya possible na ang mga tigre lamang ang nahawaan nito sa hindi malamang kadahilanan.

Hindi lang ito ang case patungkol sa COVID-19 sa mga hayop, may mga cases din ng human-to-animal transmission sa mga household pets.

Ang mahirap lang dito ay pag napasa ito sa mga alaga nating hayop at nag-mutate. Pag nangyari ito ay maaring mas maging delikado ito para sa ating mga tao.

8. Hindi parin natin naiintindihan ang Biology nito.

Totoong naapektuhan ng COVID-19 Virus ng matindi ang first world, ibig sabihin ay ang ibang mga pinakamagaling na healthcare experts ay doble ang pag-tratrabaho para mas maintindihan pa ang virus na ito.

Sa gitna ng pandemic na ating kinahaharap ay may isang malaking tanong patungkol sa fundamental biological structure ng virus na ito, Ang alam lang natin sa ngayon ay ang shape ng COVID-19 virus ay parang spiky ball.

Ang spikes ng virus na ito ay meant para sirain ang living tissue ng indibidwal, kaya napakadelikado nito, Pero misteryo parin ang bilis ng paglobo ng virus sa buong mundo.

Saludo ang pinoy circle sa lahat ng healthcare workers at frontliner natin na ginagawa ang lahat para masugpo ang virus na ating kinakaharap

Kalaunan ay masasagot din ng mga healthcare experts ang tanong na ating matagal ng hinihintay at kung pano ito susugpuin ng mas mabilis.

7. Ang Ebolusyon nito sa katawan ng Tao ay hindi parin lubos na malinaw.

Ang biology ng virus ay maaaring makatulong sa atin na maunawaan ang mga epekto nito, kahit na mayroon pa ring mga katanungan kung paano eksakto itong virus na ito ay mabilis na humahawa at kumakalat sa mga tao. Kahit sino sa atin ay hindi exempted na di mahawaan ng COVID-19 virus sa kadahilanang hindi nakikita ng naked eye ang virus.

Pwede kang mahawaan ng virus pag humawak ka sa isang bagay na hinawakan rin ng infected na tao, kaya madalas dapat tayong mag hugas ng kamay at hanggat maari ay iwasan natin ang paghawak sa ating mga mukha.

Ang nakakatakot dito ay pag ang covid-19 virus ay nagmutate ay mas mahihirapan tayong puksain ito kaya sa lalong madaling panahon ay dapat nating alamin ang Ebolusyon ng virus na ito para malaman natin kung paano ito pipigilan ng mas mabilis.

6. COVID-19 Test ay hindi 100% accurate.

Habang libo-libong cases ang inaassist ng mga healthcare frontliner natin sa pang araw araw, ay may panibagong problema na kinakaharap ang ating mga Doctor, sa kadahilanang ang ibang taong nate-test ng negative noon ay nag po-positive afterwards.

Kaya ang ginagawa ng mga hospital sa ibat-ibang lugar sa mundo ay pag gumaling ka na o naka survive ka sa covid-19 ay kailangan mai-test ka ng dalawang beses para makasigurado na 100% covid free ka.

Ito ang nakakabahala sa lahat, dahil ayon sa mga expert ay ang virus ay may kakayahan na i-deactivate at reactivate ang kanyang sarili sa loob ng katawan ng tao o baka nahawaan ulit ang mga ito sa mga panibagong taong infected ng virus.

Paano nalang kung talagang totoo na kaya i-reactivate ng virus ang kanyang sarili? May ibig sabihin pa ba ang pag galing?

5. Mga Carrier ng Virus na walang sintomas.

Kung pag aaralan mo ng Mabuti ang mga nagdaan na pandemic ay marerealize mo na ang virus na nag mula sa china ay mas mababa ang rate kesa sa mga nag daang virus katulad ng black death at Spanish flu.

Pero ang pagkakaiba lang ay ang ibang infected na tao ay parang normal dahil napaka mild lang ng sintomas na nilalabas nito, its either hindi talaga alam ng taong ito na infected na sya o itinatago lang ng taong ito na infected sya dahil natatakot siya sa maaring manyari pag nalaman ito ng mga tao.

Sa ngayon alam na natin na nag eexist nga talaga ang mga biktimang hindi nag lalabas ng sintomas, kaya mag doble ingat tayo pag namimili tayo ng pag kain sa labas. Pero ang hindi alam ng mga scientist ay kung gaano karami ang carrier ng COVID-19 na may mga mild na symptoms at mga infected na walang sintomas.

Ang ibang mga tao na may runny nose at ubo ay iniisip nila na hindi naman siguro big deal ang mga ito, kaya rin siguro bumilis ang pag kalat ng virus na ito sa buong mundo.
Kaya kailangan talaga natin mag doble ingat sa mga panahong ito.

4. Bakit ang mga bata ay kayang kaya labanan ang sakit na COVID-19

Habang napakarami na ang rate ng mga namamatay na senior citizen sa ibat ibang mundo dahil sa pandemic ay sa kabilang banda ang mga bata ay kayang kaya labanan ang sakit na ito, napakagaling diba?

Pero kung titignan mo ang mga bata ay mabilis hawaan ng sipon, ubo at lagnat sa flu season at ang mga scientist ay agad nila itong tinignan para mapangalagaan ang mga sanggol at bata sa bawat mundo, pero ayon sa kanilang pag aaral ay ang mga bata sa mundo ay Malaki ang tiyansya na mabuhay kapag naapektuhan sila nito at hindi parin alam ng mga scientist ang sagot kung bakit ng aba.

Hindi kaya ang mga bata ay may tinatagong antibodies sa katawan na maaring gamitin para mapigilan ang virus? Ano sa tingin mo?

3. Paano nakakarecover ang pasyente sa COVID-19

Sa mga panahong ito ay mayroon na tayong malawak na pag uunawa kung paano nakakaapekto sa buhay ng tao ang Covid-19 at kung paano nito pinapatay ang kanyang biktima.

Ngunit ang hindi pa natin alam ay kung paano gumagaling ang mga ito.
Usually katulad sa Spanish FLU noon ay ang katawan infected na tao ay nag proproduce ng sariling antibodies para labanan ang germs sa loob ng katawan, at ang ipreprevent ng antibodies ang pag balik muli ng virus sa katawan ng tao.

Napakataas talaga ng rate ng mga taong nakarecover sa 2020 pandemic ngunit ang mga researchers ay nagtataka o nahihirapaan intindihin kung bakit.

Sa isang pagaaral na ginawa sa china, ay dapat halos lahat ng mga taong nag recover na sa COVID-19 ay usually mag dedevelop ng Anti-BODies sa katawan, na iniexpect ng mga scientist na ganito ang manyayari, ngunit sa pag sisiyasat 30%ng mga pasyente ay walang sinyales ng katulad sa iba at kahit anong antibodies panlaban sa COVID-19, hindi pa rin talaga malinaw kung paano sila nakarecover.

Pero syempre dapat mag paasalamat parin tayo kung milagro ito.

2. Nakakatakot na Invisible Line of Transmission


Kahit marami na ang cases sa buong mundo ay at least kaya natin itong itrace ang mga kaso ng virus, katulad nalang ng pagtatanong sa mga biktima kung san sila nag punta ng mga nakaraang araw base sa pahayag ng infected ay malalaman natin kung san nagmula ang source ng virus na nag pahawa sa kanya.

Ngunit sa Gujarat, India isang bata ang namatay dahil sa COVID-19 at hindi parin alam kung paano nahawa ang nakakaawang sangol kahit wala namang infected sa buong distrito nila at isa namang amerikano ang nahawaan kahit na hindi ito nag karoon ng contact sa taong may virus.

1 Paano ito Kumakalat?

Bawat lugar sa mundo ay ginagawa ang kanilang makakaya para mapigil ang virus, kaya nga ipinatupad ang Lockdown at social distancing, ngunit ang pinakamalaking misteryo sa lahat ay kung paano talaga nag spread ang covid-19 ay isang napakalaking question para sa atin.

Noong unang stages palang ng research ay napagalaman na sa physical contact nakukuha ang virus pero may panibagong pag aaral na ang virus ay kayang mag tagal sa hangin ng matagal pa sa ineexpect ng mga experts at hindi na kailangan pa ng droplet ng ubo o bahing para mahawaan ka. Ito ang nakakatakot ang pag kalat ng virus sa hangin kung 100% na mapatunayan ito.

Sa isang possible case scenario isang grupo ng choir ang na infect ng virus kahit na pinatupad nila ang social distancing sa isat isa.

Pero as of now hindi pa clear ang lahat at sana masagot na ang ating mga tanong at mahanap na natin ang lunas para sa Virus na COVID-19.

Hindi pa natin alam lahat ng bagay patungkol sa COVID-19 pero alam ko na sa dulo ay kaya natin itong puksain ng magkakasama.  Kailangan lang natin ng konting sakripisyo para dito.


Post a Comment

0 Comments