Ano ang Lunas o Gamot Sa Almoranas at Pano ito Maiiwasan

Ayon kay Doc willie Ong. Ito’y mga ugat at laman na luma­la­bas sa puwit. May mga ugat sa loob ng puwit, at sa ka­tagalang pag-iire, puwede itong lumalabas, maipit at dumugo. Ang sintomas ng almoranas ay ang pagsakit at pagdurugo (pulang dugo) kapag dumudumi. Makakapa rin ang almoranas sa puwitan.

Source: Youtube Thumbnail

Mga sanhi (o risk factors) ng Almoranas:

  • Namamana natin ang almoranas sa ating mga magulang.
  • Ang pagtitibi at pag-iire ang pangunahing sanhi nito.
  • Ang pag-ire sa panganganak ay nagpapa-almoranas din.

Mga Dapat Gawin Para di lumala ang Almoranas:

  • Kumain nang maraming gulay at prutas, Katulad ng Papaya, pakwan at ubas. Makakatulong ito para lumambot ang dumi. 
  • Uminom ng 8 to 12 na basong tubig.
  • Gumamit ng petroleum, pwede mo ipahid sa loob ng iyong puwitan ito para mapadali ang pag ire ito ay ayon kay Dr. Edmund Leff.
  • Gumamit ng basang tissue o tabo na may tubig. (Huwag gumamit ng tuyong tissue makakagasgas ito sa almoranas.)
  • Hugasan ng maigi ang puwitan para hindi maimpeksyon.
  • Kung buntis, humiga sa kaliwa. Ayon kay Dr. Lewis Townsend, isang obstetrician, puwedeng maipit ng luma­laking matris ang ugat ng almoranas.
  • Magbabad sa bathtub o malaking palanggana. lagyan ng isang dangkal na maligamgam na tubig ang bathtub o palanggana makakatulong ito para lumiit kaagad ang almoranas.
  • Gumamit ng icepack para maibsan ang kati ng iyong almoranas. Huwag mo lang ito itapal ng lalagpas ng 20 minutos at huwag mo rin uulitin ng hanggang tatlong beses sa isang maghapon.
  • Magpahid ng cream. May mga gamot para sa almoranas tulad ng Proctosedyl o Ultraproct ointment
  • Dahan-dahang itulak paloob ang almoranas kung di gaanong malaki ang almoranas, subukan mo na ipasok ito ulit sa iyong puwitan para maiwasan na maipit mo ang iyong almoranas.

Mga Di Dapat Gawin Para di lumala ang Almoranas:

  • Magbawas sa asin o maalat na pagkain
  • Umiwas sa Maanghang o spicy na pag kain
  • Huwag umasa sa gamot na Pampadumi.
  • Huwag Pilitin ang pagiri
  • Huwag kamutin ang almoranas kahit makati baka masugatan mo lang ito.
  • Huwag magbuhat ng mabibigat na bagay.
  • Huwag umupo o tumayo nang matagal.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor?

Ayon kay Doc Willie Ong.
  1. Kung biglang sumakit ang almoranas.
  2. Kung may bagong bukol na makapa sa puwitan. Baka pigsa ito o kulugo.
  3. Kapag hindi naghilom ang iyong sugat sa puwit.
  4. Kung may pagdurugo sa dumi, huwag isiping dahil lamang sa almoranas. Magpakonsulta muna sa isang surgeon na doktor. May mga simpleng operasyon na para sa almoranas. Good luck po!
Reference: Doc Willie Ong

Post a Comment

0 Comments