10 "Sampung" Nakakatakot na Lugar sa Pilipinas

Maraming Lugar sa mundo ang nakakatakot Mapa-Amerika o Japanese story man, ay tiyak na kikilabutan ka.

Sa ngayon ang ating Tatalakayin ay ang 10 “Sampung” Nakakatakot na lugar sa Pilipinas.

10. Hospital Ruins – Corregidor


Magsimula tayo sa isang abandonadong Ospital na makikita sa Corregidor island.

Maraming nagkalat na pictures sa internet na kung titignan mo palang ay kikilabutan kana.

Ito raw ay pinamumugaran ng mga multo ng mga sundalo, marami sa kanila ang nag stay sa hospital na to at kalaunan ay namatay.

Isa pa ay dito rin daw ang naging quarters ng mga specially trained na sundalo noon.


9. Malinta Tunnel


Katulad ng Hospital Ruins ang Tunnel na ito ay located din sa Corregidor, Hindi tulad ng ibang tunnels ang malinta ay nagbibigay ng hindi mapakali at mabigat na pakiramdam.

Ang tunnel na ito ay nag silbing daanan ng mga sundalong lumaban sa World War 2 na maaring ang mga ito ay namatay at nag gagala sa lugar.

Pag nakapasok ka daw sa tunnel na ito o napadaan ka ditto may mga animo’y may ingay na di maipaliwanag at mapapansin mo din ang pagbago ng temperatura pag pasok mo ng tunnel.

8. Teacher’s Camp


Ang Teachers Camp sa Baguio City ay nagagamit parin hanggang ngayon, Kadalasan ito ay ang pansamantalang tinutuluyan ng mga gurong nag tra-train at corporate engagement.

Ang mga nasubukan mag stay sa lugar na ito ay talagang di na daw babalik dahil sa naranasan nila,
Dahil ayon sa report ng mga ito may mga nakaranas daw ng pagkahilo, nakakita ng kakaibang shadow at yabag ng mga paa sa gabi.

Ilan lang yan sa mga common na mararanasan mo pag nag stay ka dito.....


7. Diplomat Hotel


Makikita ang Diplomat Hotel sa Northern City ng Baguio. Noong World War II, ang mga madre at pari ay ditto pinugutan ng ulo.

Kaya halos lahat ng empleyado ng hotel ay nakakita ng pugot na apparition na nakikita tuwing gabi.

At ang mas matindi pa sa lahat ay ang mga batang umiiyak na naririnig nila dahil sa fountain daw ng hotel ay may mga minassacre na bata.

6. Clark Air Base Hospital

Tinawag ang hospital na ito na pinaka nakakatakot na lugar sa buong mundo ayon sa National Geographic.

Dahil sa madugong kasaysayan ng Clark Air Base hindi maiwasan na galaan din ang clark air base hospital ng mga multo sa loob at paligid ng hospital.

Noong Functioning pa daw ang ang clark air base hospital noon marami daw nakikita ang mga empleyado na mga multong lumulutang, sugatang sundalo at pag bukas ng iilang pinto sa hospital.

Talagang nakakatakot ito ay iyong naranasan.....


5. Bahay na Pula

Ang bahay na pula ay matatagpuan sa san Ildefonso Bulacan. Ang bahay na ito ay yung parang makikita mo lang sa horror film. Ito ay isang tourist destination ng mga ghost hunters sa pilipinas.

Dito raw nanirahan ang isang hapon na bumihag ng iilang babae na namatay sa bahay na ito.

May mga nakapagsabi rin na may mga gerilya na tinortyur at sinunog sa pulang bahay.

Ang mga nararamdaman daw ng mga tao na pumapasok dito ay paghiyaw, daing ng pag hihirap, pagbabago ng temperature at parang may nag mamasid sa iyong likuran.


4. Manila Film Center


Ang manila film center ay isa rin sa nakakakilabot na lugar na iyong makikita. Daan-daang construction worker ang namatay at nailibing ng buhay sa gusaling ito.

Pinaniniwalaan na sinadya daw ilibing ang mga construction worker dahil matatagalan daw ang search and rescue procedure at kinakailangan na daw matapos ang building sa lalong madaling panahon.

Ang mga bumisita daw sa lugar na ito ay nakakarinig ng paghiyaw at pag hingi ng tulong at hustisya ng mga taong nailibing ng buhay ditto.


3. Herrera Mansion

Ang lugar naman na ito ay matatagpuan sa Tiaong, Quezon. Maswerte ang Mansion na ito dahil nakaligtas ito sa panahon ng World War II, ngunit hindi naman ito nakaligtas sa pag mumulto ng mga pugot na ulo ng sundalong hapon at mag asawang nag lilibot sa mansyon.


2. Ozone Disco

Noong Marso 1996, ay nasunog ang ozone disco na makikita sa lugar ng Quezon City. Ang sunog ay pumatay ng daan-daang tao.

Karamihan ng namatay sa lugar na ito ay graduating student sa mga kalapit na university sa lugar dahil sa sirang emergency light.

Kahit abandonado na ang lugar na ito, ay may mga tao na nakakakita ng papatay patay na ilaw na parang disco light at kakaibang ingay na parang may nagsasayaw sa loob ng gusali.


1. Balete Drive


Sino nga naman ang di nakaka alam sa balete drive, maraming beses na itong lumabas sa mga pelikula at may sarili pa itong movie.

Ang madalas na makikita mo sa lugar na ito ay isang white lady na pagala gala sa street ng balete.

Maraming nakapag sabi na ang babae daw na ito ay namatay dahil sa aksidente at humihingi ng tulong sa mga sasakyang dumadaan ditto.

Marami ang nakapagsabi na hindi raw tinulungan ang babaeng ito kaya lagi ito nagpapakita madalas sa mga nakasasakyan.

Kung gusto mong dumaan sa lugar na ito siguraduhin mo hindi ka mag dri-drive ng mag isa.






Share This:

No Comment to " 10 "Sampung" Nakakatakot na Lugar sa Pilipinas "