10 "Sampung" Insidente ng Terorismo sa Pilipinas

Maraming mga nakakalungkot at nakakatakot na pangyayari ang naganap sa pilipinas. Mula sa kidnappings at pagbobomba ng mga lugar sa ibat-bang dako ng pilipinas.

Nandito at tunghayan natin ang 10 "sampung" insidente ng terorismo sa pilipinas.



1971 Plaza Miranda bombing


Ang Plaza Miranda Bombing ay nanyari habang kumakampanya ang mga miyembro ng Liberal Party Sa Plaza Miranda sa distrito ng Quiapo. 

Ang Kampanyang ito ay para ihahayag sana nila ang pagkandidato ng mga walong senator na miyembro ng liberal party at ang kakandidato para sa pagkamayor. Habang nakikinig ang apat-na-libong katao sa plataporma ng mga kandidado, dalawang hand grenade ang binato sa stage.

Nagdulot ito ng siyam na pagkamatay kabilang ang limang taong gulang na bata at Nobenta’y Singkong sugatan kabilang ang mga kilalang Miyembro ng Liberal Party.

Ang sinisisi ng liberal party ay ang late president na si Ferdinand Marcos.

Pagkalipas ng ilang taon ang tinuturong gumawa ng karumaldumal na krimen ay ang mga NPA na pinamumunuan ni Jose Maria Sison. Hindi Naresolba at nahuli ang mga taong gumawa nito kahit naging Presidente pa ang Leader noon ng Liberal Party na si Cory Aquino asawa ng dating leader ng liberal party na si Ninoy Aquino.

Dos Palmas Kidnappings


Ang Kidnapping ng Dos Palmas ay isang Krisis sa southern Philippines na nag simula sa pagdukot ng dalawampung bihag sa isang pribadong isla sa Honda Bay, Palawan, ng mga miyembro ng Abu Sayyaf noong Mayo 27 taong 2001 at nag resulta sa pagkamatay ng di bababa sa limang tao, kabilang ang dalawang Amerikano. Sina Guillermo Sobrerro at Martin Burnham.

Sa Hanay naman ng sundalo ng Pilipinas ay Dalawamput Dalawa ang nasawi habang sinusubukan nilang iligtas ang mga bihag sa kamay ng Abu Sayyaf, habang isang di kilalang miyembro ng Abu Sayyaf ang nasawi habang nakipag bakbakan sa sundalo ng pilipinas.

Umabot ng Labing Dalawang Buwan ang Hostage taking na ito, kaya rin dumami ang mga namatay sa pagitan ng gobyerno, bihag at ng mga terorista.

2000 Sidapan Kidnappings


Ang 2000 Sidapan Kidnappings ay naganap sa lugar ng Sabah Malaysia at sa timog ng pilipinas na nag simula sa pagbihag ng dalampu’t isang tao. 6:15 PM nag take place ang pagbibihag Sa dive resort Island ng Sidapan. Noong Abril 23 2000, Nasa anim na bandidong Abu Sayyaf ang kumuha ng mga hostages.

Ang mga bihag nila ay taga-europa, gitnang silangan at manggagawa sa resort ng Malaysia na mga non-filipino national.

Ang mga bihag ay dinala sa pinagkukutaan ng Abu Sayyaf sa Jolo, Sulu.

Superferry 14 Bombing


Ang Superferry 14 na sampung libong toneladang barko ay naglagkbay mula maynila hanggang cagayan de oro na may halos siyam na-raang sakay kabilang ang mga crew member nito.

Isang Television set ay naglalaman ng 3.6 kilo na TNT ay inilagay sa lower deck ng barko na kung saan ay mas maraming tao ang maapektuhan kapag sumabog ito.

Noong Pebrero 27 2004, Alas Onse ng gabi ng nakarating sila sa Correigidor Island isang malakas na pagsabog ang gumulantang sa mga pasahero at crew member ng super ferry.

Dahil dito nagsimulang umapoy ang barko at lumubog ang barko dahil sa matinding pinsaha na natamo nito, kumpirmadong 63 katao ang namatay habang 53 naman ang nawawala na itinuring na rin patay na.

Ayon sa presidente noon na si Gloria Macapagal arroyo, nahuli na nila ang anim na suspect sa pagbobomba at ang utak ng pagbobomba ay si Khadaffy Janjalani and Abu Sulaiman ay hindi pa rin nahuhuli, Pinaniniwalaan ng gobyero na Abusayaff ang may kagagawan ng panyayaring ito.

Napagalaman din na nagpadala ng sulat ng sulat ang abu sayaff sa may ari ng super ferry para mag bigay ng isang milyong dolyar na protection money ngunit hindi nila ito ginawa.

2009 Mindanao Bombing


Ang 2009 Bombing naman ay isang serye ng pagbomba noong Hulyo 4, 5 at 7 ng taong 2009 sa bayan ng Datu Piang at holo at mga lungsod ng Cotabato at iligan sa Minadano.

Ang Pagbomba ay pumatay ng pitong katao at sugatang hindi bababa ng anim-na-put-anim.

Ayon sa AFP ang may kagagawan nito ay ang Moro Islamic Liberation Front o Milf, Abu Sayyaf at Jemaah Islamiyah.

Sinabi ng ilang miyembro ng Oposisyon sa Gobyerno na ang pagatake na ito ay maaring may kaugnayan sa posibleng plano ng pangulong Gloria Macapagal Arroyo na ilagay ang bansa sa emergency rule, katulad ng ginawa ng late president na si Ferdinand Marcos.

Political Killings


Ang Politikal Killing sa pilipinas ay isang extra judicial killings at ang pagkawalang mga pulitiko, activist, journalist, human rights advocates, political opposition at whistle blower na dumami noong taong 2001.

Sinisisi ng Bagong Alyansang Makabayan ang Armed Forces of the Philippines, the Philippine National Police, the Citizen Armed Force Geographical Unit dahil dapat nilang protektahan ang ating bayan sa kamay ng mga rebelde.

Ang mga political killing sa Pilipinas, na may tinatayang pagkamatay ng mahigit 1,200 noong 2010, ay nagsimula noong administrasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo noong 2001.

1995 Ipil Massacre


Ang masaker sa Ipil noong 1995 ay nangyari sa umaga ng Abril 4, 1995, sa munisipalidad ng Ipil sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay nang ang halos 200 malakas na armadong Abu Sayyaf na mga militante pinaputukan ang mga residente at mga bahay nito, ninakawan ang mga bangko, dumakip ng 30 katao at sinunog ang mga centre sa siyudad.

Ang mga rebelte ay dumating ng nakabus at nakasuot pang sundalo.

Ang town chief of police ay namatay sa insidente at halos isang bilyong piso ang natangay ng mga rebelde.

Ang matindi pa dito habang hinahabol nmg mga sundalo ang mga rebeldeng moro ay ginagamit nila ang kanilang hostages na human shield para matakot ang gobyerno na atakihin sila.

Sa Report ng GMA Network 11 na civillian ang namatay sa insidente.

2006 Central Mindanao Bombings


Ang 2006 Central Mindanao bombings ay serye ng tatlong pambobomba at isang pagtatangkang pambobomba sa Central Mindanao noong Oktubre 10 at 11.

Noong Oktubre 10, 2006. Isang bomba ang sumabog sa isang pampublikong merkado sa Tacurong City, isang rehiyon ng agrikultura na nakararami Kristiyano sa Sultan Kudarat, na pumatay dalawang babae at apat na sugatan na hindi bababa sa apat.

Isang Guwardiya ang nakakita ng bomba at sinubukan nya itong ilayo sa mataong lugar bago ito sumabog. Ang Bomba ay napagalamang gawa sa mortar round at pinasabog gamit ang cell phone.

Noong Oktubre 11 naman ay Isang bomba ang sumabog alas otso ng gabi, sa harap ng town hall ng bayan ng Makilala sa timog bahagi ng lalawigan ng North Cotabato, na pumatay ng anim at 42 na sugatan.

Ang bomba ay sumabog sa malapit sa isang commercial stall habang nag cecelebrate Makilala's founding anniversary.

Sabi ng North Cotabato Provincial Police Chief Officer ay may isang hindi kilalang lalaki ang may hawak ng plastic bag na bumisita sa isang stall na nagbebenta ng alak.

Makalipas ang ilang minuto isang malakas na pagsabog ang sumira sa mga stalls, dalawang motorsiklo, taxi at nag iwan ng isang crater sa daan.

2002 Zamboanga City Bombings


Ang 2002 Zamboanga City Bombings ay isa ring serye ng pagatake na nanyari noong Oktubre 2, 17 at 21 taong 2002 sa palibot ng zamboanga city.

Oktubre 2

Isang bomba sa harap ng iMalagutay distric, isang karaoke bar malapit sa Military arms depot sa Zamboanga City ang pinatay ng isang Amerikanong Green Beret commando at tatlong Pilipinong sibilyan.

Isang Amerikanong Green Beret Commando at tatlong pilipinong sibilyan ang namatay at 25 na katao ang sugatan sa insidente.

Ayon sa pulisya, ang bomba na sumabog sa Malagutay ay tumitimbang ng isang kilo at naglalaman ng "brownish" na paputok na maaaring pinaghalong pulbura at TNT.

Oktubre 17

Katanghalian ng mga araw na to ay dalawang TNT Bomb naman ang sumabog sa isang shopping centre na Shop-o-Rama at adjacent shoppers central store sa zamboanga city. Napaakabusy ng panahon na ito ang mall kaya madaing nadamay sa pag sabog 11:30 nang sumabog ang bomba at sinundan ng isa pang pagsabog.

Ang mga pagsabog ay naganap habang ginaganap ang pag hand over ang Southern Command ng militar mula kay Lt. Gen. Ernesto Carolina kay Lt. Gen. Narciso Abaya.

Oktubre 21

Isang Philippine Marine guard naman ang napatay at 18 iba pa ang sugatan matapos ang isang pagsabog na inilagay sa bag na iniwan sa isang tindahan ng kandila.

Ilang oras ang nakalipag matapos ang pagsabog ay nahuli ng pulisya ng maynila ang isang lalaki na senior member ng grupong Abu Sayaff.

Abu Sayaff din ang tinuturong mastermind sa mga pagsabog na ito.

2016 Davao City bombing


Ang pagbobomba sa isang night market ay nanyari sa davao City, sa katimugan ng pilipinas, noong september 2, 2016, pumatay ng 15 katao at 70 ang sugatan. Isa sa nasugatan ay isang buntis na kalaunan ay namatay.

Ang sabi ng Rebeldeng Grupo na Abu Sayyaf ay sila daw ang responsable sa pag bobomba sa davao night market, na ka alyansa nila ang gumawa ng pagbobomba sa naturang lugar.

Nanyari ang pagbobomba alas diyes ng gabi sa may roxas avenue, lugar sa davao na kung saan ang sentro ng kalakalan.

Sinabi ng Philippine National Police Chief General Ronald dela Rosa na ang pagsabog ng Davao ay isang terror attack at gumamit ang mga ito ng improvised na bomba.

Post a Comment

0 Comments