10 "Sampung Sinyales na Nangangaliwa ang Asawang Lalaki

Masarap sa pakiramdam ng babae na mayroong minamahal, lalo na kung nasusuklian ng taong mahal mo ang pagmamahal na naibibigay mo rin. Ang kaso hindi lahat ng babae ay pinapalad sa pagmamahal may mga oras din na naloloko tayo at nasasaktan. Halika at samahan nyo akong alamin ang Sampung Sinyales ng nangangaliwa ng mga lalaki.


1. Laging nalalate sa paguwi:

Kung napapadalas ang paguwi ng iyong asawang lalaki sa hindi tamang oras ay magtaka ka na, dahil maaaring kung saan, saan pa siya dumadaan bago umuwi sa inyong tahanan,lalo na kung ito ay hindi niya ipinagpapaalam sa iyo.

Maaaring siya ay naimbitahan sa isang okasyon ng isa sa kanyang mga barkada o di nman kaya ay siya ay may katagpuan nang iba. Ngunit wag ka munang maging paranoid baka nman na extend lang ang oras niya sa trabaho dahil siya ay pinag OT ng kanyang Boss.

2. Paglalagay ng Password sa Cellphone:

Naalala mo pa ba nung kayo ay mag kasintahan pa lamang, hindi bat lahat ng laman ng kanyang cellphone ay alam mo dahil puro message mo ang nilalaman nito?
Ngunit ikaw ba ay natataka kung  bakit ngayon na magkasama na kayo ay saka niya maiisipan na ipribado ang kanyang mga personal na gamit gaya ng kanyang telepono. Ito ay tunay na kahinahinala hindi ba mga misis??  maaaring may mga mensahe sya sa kanyang telepono na ayaw niyang mabasa mo!

3. Pagsisinungaling:

Tiwala ay isa sa pinaka importanteng  bumubuo sa isang relasyon, dahil kapag ang tiwala ng iyong partner ay nasira na, tiyak ang inyong  pagsasama ay mapupuno na ng paghihinala at pagdududa.
Kung  si Mister ay nahuli mo na na nagsisinungaling saiyo siguradong malaking gulo at katakot-takot na away ang maaaring mangyari , kung kaya't ito ay dapat ninyong paka-iwasan.

4. Lipstick mark or/ Female scent:

Madalas natin itong napapanood sa mga pelikula noong sinaunang dekada, ngunit ang mga ganitong eksena ay gamit na gamit parin hanggang ngayong henerasyon nating ito.
Kabahan kna kung si Mister ay nakikitaan mo na ng lipstick mark sa kanyang kwelyo o damit at kung siya ay magkakaroon ng amoy na pang babae dahil tiyak dito ay wala na siyang takas.
Kapag ganito na ang nakita mo sa iyong Mister ay bantayan mo na siya at baka kung sino sino na ang umaaligid sa kanya.

5. Pagiwan ng Kanyang Wedding ring:

Ang sing sing ay sumisimbolo ng inyong katibayan ng  inyong pagiisang dib-dib.
Madalas ba na naiiwan niya  ang sing-sing niya kung saan? gaya ng CR, ibabaw ng Cabinet ninyo o Bulsa ng kanyang polo??
 Maaaring kaya niya ito iniiwan ay ayaw niyang malaman na siya ay kasal na o di naman kaya ay meron siyang kikitain na iba kung saan.

6. Pagkakaroon ng Midnight Caller or Textmate:

Ito naman ay isa ring sinyales na ang iyong Mister ay nangangaliwa bakit?
Dahil sa paraang ito habang ikaw ay mahimbing na natutulog ito naman ang oras na siya ay may katawagan sa kanyang telepono.
Dito si mister ay magaala ninja sa pagtakas sa inyong kwarto upang siya ay magkaroon ng maayos at tahimik na conversation sa pribadong lugar ng inyong bahay.
Maaaring sa banyo, balkonahe, kusina ,o garahe siya tatambay at makikipag usap sa kanyang kalaguyo habang ikaw ay nasa kasarapan ng iyong pagtulog.

7. Teleporter:

Nagtataka ka ba kung bakit minsan sa kalagitnaan ng inyong paglabas sa grocery o pamamasyal sa mall o  sa kinakainan ninyong restauant ay bigla nalang nawawala si mister ng parang bula?
Baka naman naroon din si kabit sa lugar na kung saan kayo ay naroroon, at dahil hindi mo nga kilala ang kabit niya sasamantalahin ni mister ang pagkakataoon na ito para sila ay makapagkita, Bigla nalang kung anong may kailangan tingnan kung saan si mister.
Kung kaya naman mga misis maging mapagmatiyag ,dahil baka ito na ang oras na iyong hinihintay upang sila ay iyong mabisto.

8.  Nababanggit ng ibang pangalan pag-tulog:

Naranasan mo na ba ang ganitong sitwassyon? Habang nasa gitna ng pagtulog ni mister ay bigla siyang magsasalita at magbabanggit ng pangalan ng babae na para bang ito ay kaniyang napapanaginipan.
Ito ay karaniwang nangyayari pag si mister ay napasobra sa paginom ng alak o siya ay lasing.
Ito ay di lang naman maaaring mangyari kung ang isang tao ay lasing , Maaaring ito at dala rin ng sobrang pagiisip ng isang tao patungkol sa pangalang kanyang nababanggit.
Kung kaya mga misis napaka swerte mo kung pangalan mo ang iyong maririnig kung halimbawang ito ay mangyari.
Ipagdasal mo nalang na tulog ka din kung sakaling siya any magsalita at magbanggit ng pangalan ng iba. dahil aminin natin mga na napakasakit nito sa damdamin.

9. Panlalamig

Dumarating naman ang salitang ito sa kahit na sinong magkapartner ngunit madami naman ang dahilan nito gaya ng:
Sobrang pagod at stress sa trabaho sa trabaho ang inyong partner,
Maaring marami siyang pinagdadaanan sa kaniyang trabaho o kaya naman napepressure na siya sa kanyang workload.
Isa ring uri ng panlalamig ng iyong kapartner  ang pagbubunganga natin mga misis dahil aminin na natin na tayo ay may extra exagerated na pagiisip at dahil sa tayo'y masyadong nagpapadala sa bugso ng ating damdamin ay madali tayong nakapagbibitaw ng mga masasakit na salita sa ating kapartner.

10. Laging may lakad

Madalas ba magpaalam ang mister mo na may lakad at halos lahat ata ng birthday, binyag, team building at seminars sa opisina ay kaniyang inaatenan? at ang nakakatawa pa ay hindi siya pwedeng hindi pumunta sa mga lakad na ito, at ito pa mga misis galit pa sila pag hindi sila pinayagan na pumunta talagang iniinsist nila na sila ay kinakailangan makapunta sa mga nasabi kong okasyon.

Post a Comment

0 Comments